Friday, March 25, 2011

Ang Pagdaloy ng Ilog Chico

This story is, by far, the most realistic and most essential to the culture of the Filipino people among all the other fairy tails that we have been told when we were little. I was never sent to bed without being told this story of resistance, courage, and bravery. And while my playmates set their eyes on a fairytail's true love's kiss, I have set my eyes to revolt and freedom.


So, here is a story that is unlike any other. Yet, it is more realistic than a knight in shining armor. 


Ang Pagdaloy ng Ilog Chico mula sa National Alliance of Women's Organization


Ito ang Ilog Chico. Ang aming dakila, at mahabang ilog. Ito ang ilog na dumadaloy sa aming palayan, at nagbibigay inumin sa mga hayop. Ito ang ilog na nagtatanggal ng dumi sa aming mga damit, at nagpupuno ng inumin sa aming mga banga. Ito ang ilog na nag-aruga sa aming mga ninuno at sa kanilang mga palayan.


Ang aming mga tahanan ay nakatayo sa tabi ng ilog na ito kung saan kami lumalangoy at naglalaro. Tulad namin, dito rin naglaro at lumangoy ang aming mga ninuno. 


Ngunit hindi nagtagal, may mga taong gustong pigilan ang pagdaloy ng aming dakilang ilog. 


Sila ang mga nagpaplanong magtayo ng dam. Sila ay mga puting dayuhan mula sa malalayong bansa, at mga kayumanggi na nagmula mismo sa ating bayan.


"Let us build a dam in the Chico river", wika nila. 

"It will make our shops and factories run", wika ng mga dayuhan.


"Nagbibigay ilaw at elektisidad ito sa mga siyudad", wika ng mga mayayamang kayumanggi. "Mas maraming tao ang bibili sa ating mga tindahan".


Maigi at matagal pinag isipan ng mga magtatayo ng dam and plano nila. At sila'y nagalak.


Upang makapagtayo ng isang dam, kailangan harangin at pigilan ang pagdaloy ng tubig mula sa ilog at pataasin ng napakataas hanggang sa lunurin nito ang aming bayan na Kalinga. Ang dam ay magiging kasing taas ng isang bundok at kasing lapad ng dalawang bayan. 


Nangupahan ang mga nagpaplano ng dam ng dayuhang puti at kayumanggi upang magtayo ng dam. 


Sinukat nila ang dam. Pinag-aralan ang mga buntok. Sinuri ang lupa.


"Tamang-tama ang lugar na ito para sa isang dam", wika nila. "Isa itong gubat at walang nakatira rito".


Ang aming mga apo at mga ama ay pinag-usapan ang mga magtatayo ng dam.


"Ito ay aming ilog. Ito ay aming lupa. Ito ay aming tahanan", wika ng aming mga apo. "Matagal na panahon na tayong naninirahan dito. Ang ating mga ninuno ay nanirahan dito magmula pa nuong araw".


"Isipin niyo ang dami ng mga tindahan at factory na mapapatakbo ng dam na ito", sagot ng mga tagapagtayo ng dam. "Isipin ninyo ang ilaw na maibibigay nito sa kanayunan!"


"Hindi namin kailangan ng dam", sagot naman ng aming mga apo. "Kailangan namin ang aming mga tahanan at palayan na sisirain ng dam".


Ngunit hindi sila pinansin ng mga tagpagtayo ng dam at sila'y lumisan ng may ngiti sa kanilang mga labi.


Nang magbalik ang mga dayuhan, nagtayo sila ng kampo malapit sa aming bayan. 


Sinubukan ng aming mga ama, tiyo at kapatid na pasukin ang kanilang kampo. Ngunit sila'y hinuli at ikinulong.


Nagtawag ng pagpupulong ang mga nakakatanda. 


"Kailangan natin sirain ang kanilang kampo", wika nila. "Hindi pa man naitatayo ang dam, ngunit hinagpis at pignati na ang dulot nito sa atin".


"Patuloy lamang nila tayong huhulihin at ikukulong hanggang sa matapos itayo ang dam".


"Kaya natin itong gawin" wika ng aming mga ina, tiya at kapatid. "Alam namin kung paano lumaban. Protektahan natin ang ating bayan!"


Isang gabi, isang malakas at mahabang hiyaw ang pumukaw sa kadiliman.


"Hwoooo-oow! Hwoooo-oow!"


Ito ang aming hudyat ng pagsalakay. Mabilis kaming tumakbo. Ina, tiya, at mga kapatid. Kasama pati ang aming mga anak. Gamit ang mga pat-pat, bato at aming mga kamay, naibagsak namin ang kanilang mga tolda, ang kanilang mga makina. Lumaban kami.




Magmula nuon, kami ay nagbantay sa paligid ng aming dakilang ilog. Kami ay natulog sa lupa. Nagsindi ng matataas na apoy upang panatilihing mainit ang aming katawan. Kumanta kami ng Salidumay upang hindi kami panghinaan ng loob. 


Isang araw, nagbalik ang mga magtatayo ng dam. Dala nila ay mas malalaking makina, mas maraming armas, at mas maraming kagamitan. Muli silang nagtayo ng kanilang kampo at sila'y desidido na manatili.


Tulad ng dakilang ilog, ang balita ay mabilis na dumaloy sa aming mga karatig bayan. Tulad namin, sila'y mawawalan din ng tahanan at palayan sa pagtatayo ng dam.


"Hwoooo-oow! Hwoooo-oow!"


Sa pagkakataong ito, mas marami ang dumating at nakisali. Maraming dumating mula sa ibang bayan. Nagulat ang mga sundalo sa aming pagdami.  Nawalan sila ng pag-asa habang pinabagsak namin ang kanilang kampo.


Sa pangalawang pagkakataon, sila'y lumisan.


Hinakot namin ang kanilang mga tolda, mga kumot at palayok. Dala ang mga ito sa aming likod at mga balikad, kami ay nagmartsa sa kanilang barracks.


Ibinalik namin sa kanila ang kanilang mga gamit na kanilang iniwan sa aming lupa. Galit ang naramdaman ng mga sundalo. Muli nilang hinuli at ipiniit ang aming mga ama, tiyo at mga kapatid. 


"Huwag kayong mawalan ng pag-asa", wika ng aming mga ina, tiya at mga kapatid. "Hindi tayo lilikas hangga't hindi nila pinakakawalan ang ating mga kalalakihan." Muli kami'y nagbantay, umawit ng salidumay. 


Marami ang dumamay at nakisalo sa aming laban mula sa ibang bayan. Dala nila ang kanilang sariling Salidumay, kwento at mga ideya. May iilan ding nagladala ng kanilang mga armas.


Matapos ng maraming buwan, pinakawalan din ang aming mga kalalakihan. Umuwi kami sa aming mga bayan at nagpunyagi. Ngunit sa aming pagbalik sa aming bayan, nagtagpuan namin ang mas matibay at mas malaki nilang kampo.


"Hwoooo-oow! Hwoooo-oow!"


Muli, kami'y nakipaglaban. Ginamit namin ang aming mga kamay, mga paa at ang aming katawan. May mga gumamit ng pat-pat. May gumamit ng mga bato. Ngunit mas marami ang mga magtatayo ng dam, at mas marami ang kanilang armas. 


Sa kanyang pagpupumiglas, isang matandang babae ang sumigaw. "Hwoooo-oow! Hwooooo-oow!" at tinanggal ang kanyang damit. Isa-isang sumunod ang aming mga ina, tiya, at mga kapatid, habang mahigpit ang hawak sa kamay ng isa't-isa.


"Kami ay mga ina, tiya at kapatid", wika namin sa mga sundalo. "Bakit niyo to ginagawa?"


Hindi maitago ang hiya sa muka ng mga sundalo at magtatayo ng dam. Lumikas sila ng may takip sa kanilang mga mukha.


Sa loob ng labing-limang taon, kami'y lumaban upang mapanatili ang pagdaloy ng aming dakilang ilog Chico. Sa bawat pagkakataon na magbabalik ang mga dayuhan upang magtayo ng dam, itinataboy namin sila. 


Hanggang sa araw na ito, nasa amin parin ang aming lupa at bundok. 


At ang aming ilog Chico ay patuloy na dumadaloy.




No comments:

Post a Comment